Sabado, Hulyo 13, 2013

Biyernes, Marso 15, 2013

Mama Ko Yan ! =))



   Dito ay inilahad ko ang mga positibo at negatibong ugali ni Mama.Kung mapapansin ay isa lamang ang negatibo sapagkat masasabi kong mabuti siyang Ina.

Mga Pagbabago



    Ang sanaysay na ito ay patungkol sa mga kababaihan na mayroon noon at ngayon.Ang kababaihan noon ay likas na mahina subalit sa ngayon ay mapapansin natin na nagbago na.

Sobrang Saya =))

Dear Diary,
     Sobrang nakagulat ako sa nangyari sa pagbibigay gawad para sa Filipino namin. Hindi ko inaasahan na ako ang mapipili para sa  PINAKAMAGANDANG BLOG ;> Sobrang nakakagalak talaga kasi may medal pa! Sigurado akong matutuwa sila Mama at Papa dahil dito.Salamat Gng.Mixto =)

Huwebes, Marso 14, 2013

Mga Gawain


  Ang gawaing ito ay patungkol sa mga kakailanganin sa kursong kukuhain.Isinaad din dito ang mga kusong nais ko para sa paghahanda sa kolehiyo.

Rebyu

    Ang rebyu ay isang pagsusuri sa mga akdang nabasa o pelikulang napanood. Sa isang rebyu ay ipinapakita ang mga kahinaan at kalakasan ng napanood o nabasa.

Pagsusulit Na!

Dear Diary,
  Medyo ayos pa ang pagsusulit namin ngayon sapagkat hindi pa ganoong kahirap. Siguro ay nahirapan lamang ako sa M.A.P.E.H.
 Pagkauwi ko ay nakatulog lang ulit ako para may lakas para sa malupit na sasagutan bukas :)

Miyerkules, Marso 13, 2013

RELAX

Dear Diary,
    Pagsusulit na namin bukas para sa Ika-apat na Markahan.Nauna kami kaysa sa ibang pangkat.Dahil sa bukas na ang pagsusulit ay abala ang mga kaklase ko sa pag-aaral at pursigido pa silang magpuyat.Pero ako? Relax lang! Pinagtuunan ko ang mgasalita na matatandaan ko kaugnay ng pinag aralan para madalian lang ako.Heto nga at nakapag computer pa ako para makibalita sa Facebook ko.Goodluck sa pagsusulit namin :)

Martes, Marso 12, 2013

Bawi Lang ng Tulog :)

Dear Diary,
 Ang sarap talaga ng pakiramdam kapag nakatulog.Buti naman at walang umistorbo.Nakatulog nang mahimbing.Bumawi lang ako kasi pagod at puyat ako kahapon.

Lunes, Marso 11, 2013

Painting na Naman :|

Dear Diary,
  Hapon na naman nakauwi sa bahay.Ngapinta na naman kasi kami para sa T.L.E.Medyo sumakit tuloy ang ulo ko dahil hindi ako nakatulog.Inutusan pa ako ng Papa ko na mag-awdit sa tubig.Puyat na din ako.Hays!

Linggo, Marso 10, 2013

Nood ng Liga 


Dear Diary,
         Ngayon lang ako nanood ng ganito.Masaya pala manood kasi ang daming nakakatawa.Nandoon pa ‘yung mga kaklase ko nung ako ay nasa elementary pa.Nakakamiss K

Sabado, Marso 9, 2013

Groupings Nga ba ?


Dear Diary,         
           Ayun mayroon kaming pangkatan para mag-pinta na proyekto namin sa asignaturang Ingles. Ang dami naming sa grupo pero kaunti lamang ang pumunta.Sumama pa ang pakiramdam ko kasi sobrang init,mayroon pa naman ako ngayon.

Biyernes, Marso 8, 2013

Saya 


Dear Diary,
    Ngayon na naming isinagawa ang aerobic dance naming.Sobrang saya talaga kasi nagkamali ako.hehehe ^^.Medyo napagod ako .
    Nang uwian na ay pumunta kami ni Scottie sa Masinag, kumuha kami ng stab.Ang haba nang pila kaya edyo natagalan kami :) 

Huwebes, Marso 7, 2013

Tara na’t Mag-ehersisyo


Dear Diary,
    Ngayong araw ay may ensayo kami ng aerobics sa Mapeh. Nakakatuwang sumayaw na umaalog ‘yung taba mo. Hahaha! Nakakahiya pero sobrang saya.  Sobrang ensayo kami dahil bukas na naming ito isasagawa. Ang saya =))

Miyerkules, Marso 6, 2013

Isang araw ng Bakasyon


Dear Diary,
   Wala kaming pasok ngayon  kaya pahinga muna. Maghapon na naman akong tulog kaya tumataba eh. Pagkagising ko ay gumawa pa ako ng apat na liham para sa takdang aralin naming sa Ingles.Sobrang nakakagalak gumawa ng liham .

Martes, Marso 5, 2013

Ayos na Kompyuter


Dear Diary,
WEBCAM TRIP :P
    Ang saya naman! Pinaayos na ni Papa ‘yung kompyuter naming pagkalipas ng ilang buwan.Namiss ko’to .Subalit wala pang internet kaya bitin pa ‘yung kasiyahan ko.
   Natuwa naman ako sa Webcam namin, kuha lang ako ng kuha ng litrato gamit ang webcam =))


Lunes, Marso 4, 2013

Magulong Buhay


Dear Diary,
     Ang daming takdang aralin .Ang mahirap ay sabay-sabay na : naglilinis, nag aalaga ng bunso naming at paggawa ng takdang aralin.Dahil sa puyat ao kagabi ay mangilo-ngilo pa ako. Ang hindi ko lang matanggap ay  ‘yung  pagsagot-sagot sa akin ng kapatid ko:/

Linggo, Marso 3, 2013

Busog na naman ang TUMMY ko~


 Dear Diary,
    Pumunta ako sa bahay na pinsan ko,kaarawan ni kuya Balong at ate Jhosa.Ang daming handa,syempre ay nabusog na naman ako ng sobra! Hehe ^^
   Gabi na nang naka-uwi  kami sa bahay at hindi pa rin ako ligtas sa labahin ko kaya kahit gabi na ay naglaba pa din ako.Nakakapagod.

Sabado, Marso 2, 2013

PROJECT ATTACK :|

Dear Diary,
  Umaatake na naman ang mga proyekto.Haysss ! Nawawala pa 'yung ibang gawain ko sa Chemistry.Nakoww ! Paano na 'to. Pati mga kwaderno ay chechekan na din kaya kailangan nang ayusin at pagandahin. Tapos ang dami pang gawain sa bahay .Nagluluto , naglilinis at naglalaba.Ano ba iyan ? ...

Exhibit ~

Dear Diary,
  Pinakagusto ko ngayon yung exhibit.Ang dami kong nakitang bago at magaganda.Isa na yung painting at mix media ko.Sobrang nakakagalak sa kalooban na ang daming nakakakita ng gawa mo. Nagustuhan ko din  'yung sa Cosmetic na mga naka-make up. Ang galing nila mag-ayos ng buhok at mukha nila kahit estudyante pa lamang sila kaya nakakatuwa :D

Huwebes, Pebrero 28, 2013

Tulog ....

Dear Diary,
   Sobrang puyat ako ng ilang araw kaya hindi ko namalayang nakatulog ako, ang masaklap pa sa ibang bahay pa! HAHA :) Nagising na ako gabi, buti nalang hindi nila inistorbo ang tulog ko.Pag uwi ko tuloy ,napagalitan ako ni Mama.

Miyerkules, Pebrero 27, 2013

Gala :D

Dear Diary,
 Gala na naman ako .Nagkayayaan ng mga kaklase ko nung Grade 6 eh. Kung saan-saan nakarating ,haha! Namiss ko talaga sila ,buti na lang pinuntahan nila ako sa bahay namin.Kwentuhan at asaran kami sa kalsada.hahahaha .Sa kalsada talaga !

Martes, Pebrero 26, 2013

Interbyu

Dear Diary, 
   Ngayon na pala ang interbyu ko.Medyo kabado na kasi dito nakasalalay section ko.Lalo pa akong kinabahan nung nakita ko sila Kaycee at Aroa na umiyak eh sila pa naman nauna sa akin.Iyun pala eh tungkol sa Family ,akala ko kung anu na . ^^

Lunes, Pebrero 25, 2013

EDSA 27

Dear Diary ,
   Walang kaming pasok ngayon ,holiday kasi.Wala ngang pasok pero parang mayroon pa din. Pumunta ako sa bahay nila Canchela para sa recordin para sa MTV.Kaarawan di pala ngayon ni Canchela kaso kahapon pala ginanap kaya tinapay lang nakain ko .Hahaha :)

Linggo, Pebrero 24, 2013

Himala

* Ang "Himala" ni Ricardo Lee ay patungkol sa buhay ni Elsa na kung saan ay pinaniwalaan siya ng mga tao na nakapagpapagaling pero sa huli ay sinabi niyang walang himala dahil ang himala ay nasa puso ng tao.

Kinagisnang Balon


*Ang "Kinagisnang Balon" ni Andres Cristobal Cruz ay patungkol kay Narsing na ikinakahiya ang trabaho ng kanyang ama na pag-aaguwador kaya ayaw niyang mamana ang trabahong iyon.Sa huli, natanggap niya na ito dahil naisip niyang hindi naman masama ang trabahong ito.

Mga Kilalang Personalidad


Banyaga


* Ang akdang "Banyaga" ni Liwayway Arceo ay umiikot sa tauhang si Fely sa mga pagbabagong nangyari sa kanyang pananamit ,kilos at ugali.

Bangkang Papel



    Ang akdang ito ni Genoveva Edroza Matute ay patungkol sa buhay ng batang lalaki na kung saan ay maagang namulat dahil sa pagkamatay ng kanyang ama.

Source :http://www.google.com.ph/imgres?um=1&hl=fil&sa=N&biw=1366&bih=653&tbm=isch&tbnid=Uxl3pS_vwC7KfM:&imgrefurl=http://markjan-markjan.blogspot.com/2009/03/bangkang-papel-ni-genoveva-edroza.html&docid=PMm_UxdHYjn35M&imgurl=https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi8JCZfLaQJJQqTk1PRHTHYTe6n6cuFjcFW5xrRv9HtpHwWFEY5aQnylWgwHLgETVqpAYTFca9RIsGRy-o5PGbJmO9ZBe8lsB-7pwZSn8-yMhkdTeop_nRfX2-bQI2COI7ohxzt8lfGfBJN/s200/PAB2611.jpg&w=200&h=150&ei=Fd0pUebhAYb9rAfG5oHQBA&zoom=1&ved=1t:3588,i:78&iact=rc&dur=124&sig=110746269978730153902&page=1&tbnh=120&tbnw=160&start=0&ndsp=15&tx=90&ty=71

Himala ng Rivermaya :)


* Ang kantang ito ay may kaugnayan sa akdang Himala ni Ricardo Lee .

Mga Pagsususulit(Banyaga)



Mama :">


Ang Pamana


*Ang akdang ito ni Jose Carazon De Jesus ay patungkol sa wagas na pagmamahal ng ina sa anak dahil kahit ito ay malapit nang mamatay ay inaalala niya pa rin ang mga anak niya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mana.

Masipag na Bata :P

Dear Diary, 
   Ang sipag ko talga maggala.Haha :)) Ang dami kong napuntahan , sa bahay ni Fatima ,sa Sm Masinag ,Masinag at sa Sta.Lu. Grabe ! Sobrang kapagod . Pagkatapos ay nagrent ulit ako ng computer kasi hindi pa ako tapos sa mga takdang aralin eh!

Sabado, Pebrero 23, 2013

Ang dami!

Dear Diary,
  Ang dami naming takdang aralin ngayon kaya hindi pwedeng magrelax lang.Ang dami ko tuloy nagastos pangrent sa computer shop.Hayst :/

Biyernes, Pebrero 22, 2013

Laboratory na naman!

Dear Diary,
   Punta lang kami ni Mama sa Marikina Valley para magpatingin.Sinamahan ko siya kasi hirap na maglakad.Nakakainis ang daming laboratory ang gagawin sa kanya kasi hindi pa rin gumagaling hanggag ngayon. Wala na pati kaming pera kasi ang mahal.Sana talaga gumaling na si Mama.

Huwebes, Pebrero 21, 2013

Kainis talaga ang mga Lalaki

Dear Diary,
  May ensayo kami pero hindi na nakabalik ang mga lalaki kasi nag-DOTA na sila. Nakakainis talaga, mas inuuna pa nila 'yun kaysa sa proyekto.Nasayang lang tuloy 'yung oras ko.

Miyerkules, Pebrero 20, 2013

Music Video , Ang saya!

Dear Diary, 
    Ensayo ulit ng MTV para sa Values ,sa eskwelahan naman ang lugar namin. Sobrang saya kasi puro kami ulit ,patawa kasi si Badion pero ayos lang.Pagod man nag-enjoy naman :))

Martes, Pebrero 19, 2013

Kapaguran na naman!

Dear Diary,
  May ensayo na naman kami sa Values! Kaloka.! Hindi matapos-tapos.Umuwi muna ako sa bahay para kumain at sumama sila Aroa,Cagas,Kim at Fatima.Grabe! Taob ang kaldero namin tapos bumili pa ako ng ulam kasi hindi kasya.Hahahaha:) Pagkatapos ay pumunta kami kila Noimie para mag ensayo at nagkompyuter pag uwi.

Lunes, Pebrero 18, 2013

HAYAHAY!

Dear Diary,
  Ang ganda ng pakiramdam ko ngayon.Pakiramdam ko magiging maganda ang araw ko .Pagpasok ko sa klase ay todo ngiti pa ako tapos bigla akong asarin ni Badion.Ok lang! Masaya naman eh :D Haha.Pag uwi ko ng bahay ay natulog agad ako,at inabot ako ng apat na oras.Ang haba noh? Ang saya talaga ng araw ko.HAYAHAY!

Linggo, Pebrero 17, 2013

Church Day!

Dear Diary,
  Ngayon na lang ulit nakapagsimba na kasama ang pamilya.Ang sarap sa pakiramdam tapos kumain kami sa MCDO ,libre lahat ni Papa.Ang saya :D

Sabado, Pebrero 16, 2013

Walang Nangyari ?

Dear Diary,
  Ensayo na naman kami sa Francisville.Ang gaganda namin nila Carpio,Bautista,Kim at ako .Hahaha :) Puro kami nakaporma.Sa Kasamaang palad, walang nangyari kasi ang daming hindi pumunta.Nakakainis talaga.

Biyernes, Pebrero 15, 2013

Dear Diary,
  Ayun walang pasok pero may ensayo kami.Magre-record kami MTV para proyekto saValues.Kamalasan kasi nag away kami ni Mama ,iyan tuloy hindi ako binigyan ng pera. 
  Naglakad lang ako papuntang Francisville ng walang kahit pisong dala.Sobrang nakakagutom at uhaw.

Huwebes, Pebrero 14, 2013

Dear Diary,
Red for Valentine<3
  Kaloka ngayon ah! Ang daming nagdadrama na wala daw sila ka-date? Parang sila lang ah? Ako din kaya!Haha :) Itulog nalang natin 'yan!

Miyerkules, Pebrero 13, 2013

Swerto ko!

Dear Diary,



  Ang saya-saya naman! Ang swerte kasi eh! Biruin mo ? napili na yung painting ko para sa exhibit pati ba naman ang Mix Media. Di ako makapaniwala .Hahaha ^^

Martes, Pebrero 12, 2013

:))

Dear Diary,
  Sa wakas! Umuwi na sila Mama.Ubos na rin kasi ang badyet namin sa pagkain eh.Ang dami nilang pasalubong lalong lalo na ang pili.Paborito ko talaga yun.
  Pag uwi ko ay pumunta kami nila Momongan,Amor at Cerbo sa Masinag para magpasa ng form sa Scholarship.

Lunes, Pebrero 11, 2013

Painting :)

Dear Diary,
  Dahil wala sila Mama, maayos ko magagawa ang painting ko(mix media).Ang ganda niya! 
   Pagkatapos ay naglinis na naman.Hirap naman maging panganay, ako lang ang kumikilos sa amin.Pag pinairal ko ang katamaran ko,panigurado na madumi lagi ang bahay.

Linggo, Pebrero 10, 2013

Linis Mode

Dear Diary,
  Naglinis ako ng buong bahay kasi sobrang kalat.Ang hirap nang wala si Mama dito ,walang nag aasikaso sa amin.Parang ako na tuloy ang naging Mama at Papa sa mga kapatid ko.Ako gumagawa ng lahat at nagbabadyet.
  Pagkatapos maglinis ay gumawa ako ng Mix Media ko sa T.L.E. Sobrang ganda ng kinalabasan .

Ang Kalupi


Sabado, Pebrero 9, 2013

Stipend

Dear Diary,
  9am palang ay nasa Josefina na kami para kumuha ng stipend.May libreng siopao kaya kumuha ako pero kulang sa akin kaya pati yung kay Amor kinain ko.Hahaha^^ katakawan ko talaga:)
 Mga alas dose na yata nakarating si Puno .Huling-huli pa kami nabigyan kasi napakahaba ng pila kaya nagpahuli nalang kami.
 Pagkatapos ay pumunta akong Masinag para bumili ng pasalubong kila Mama.Kinagabihan ay umuwi sila Mama at Papa sa Bicol para magpagamot.

Biyernes, Pebrero 8, 2013

Speech Day!

Dear Diary,
 Sa wakas! Tagumpay ang speech ko.Hindi man ganoon kagaling ay alam ko naman sa sarili ko na binigay ko ang best ko!

Huwebes, Pebrero 7, 2013

Paghahanda

Dear Diary,
  Medyo kabado na ako para bukas.Speech ko na kasi .Gumawa muna ako ng feature story sa English at pagkatapos ay nag ensayo na ako para sa speech ko .
  Pagkatapos ng lahat ay natulog na ako para hindi ako antukin bukas.

Miyerkules, Pebrero 6, 2013

Ang Saya Talaga! =)

Dear Diary,
  Ang saya ng gawain namin sa MAPEH.Naglaro kasi kami na paunahan bumuo ng salita batay sa tanong .Si kuya Badion kasi halos nagwawala para lang mauna kami pero sulit naman kasi naka-100% kami.

Martes, Pebrero 5, 2013

Science Fair :D

Dear Diary,
  Ayun wala kami sa eskwelahan pero nasa Ynares Center kami para sa Science Fair.Ang dami kong natutunan kahit medyo nosebleed na.Ang lupit kasi nila mag-ingles eh! Ang masaya doon ay yung mga prizes sa bawat station basta sasagutin mo tanong nila.Nakakuha ako ng 2 bookmark,1 ballpen at maraming candy.Hahaha ^^






  Pagkatapos ay nagsimba kami sa Antipolo Church at diretso sa MCDO! Pero hindi pagkain ng Mcdo ang kinain namin kundi yung baon naming kanin.Hahaha ..Medyo nakakahiya pero masaya.

Lunes, Pebrero 4, 2013

Papa's Birthday!

Dear Diary,
  Kaarawan na ni Papa.Siya ay 42 years old na, inuman na naman sila pero ako tulog lang.Napagod kasi kahapon eh!

Linggo, Pebrero 3, 2013

Busog Much!

Dear Diary,

   Ngayon ginanap ang kaarawan ni Papa.Busog na naman ang tiyan ko.Naghanda kami ng spaghetti, pansit, manok, salad at mga pampulutan sa inuman nila Papa.Hindi talaga mawawala ang inuman sa kanya kaya lasing na naman siya.

Sabado, Pebrero 2, 2013

LAST NA'TO

Dear Diary,
  Last day na ng shooting namin.Inabot na kami ng hanggang alas singko.Ang saya kasi natapos na namin at editing na lang ang kulang.
  Pinakagusto kong eksena ay yung sa tabi ng kalsada na nakahiga si Scottie(Andres Reyes) tapos tinakpan pa ng dyaryo kaya parang totoo talaga.Ang dami kong tawa, siguro mga otsenta kasi may nagtanong kung ano daw nangyari ? akala kasi totoo :D

:D

Dear Diary,
  Ayun tapos ko na ang painting ko , wala na ding problema.Sumama ako kila Mama sa Cherry Foodarama para bumili ng ihahanda bukas.Bukas kasi gaganapin ang kaarawan ni Papa.

Huwebes, Enero 31, 2013

Boredom :'/

Dear Diary,
  Pag-uwi galing sa eskwela ay hindi ako makatulog sa hapon.Wala akong ginawa kundi manood ng telebisyon.Maghapon din akong nakatutok sa cellphone ko kahit wala namang nagtetext.

Miyerkules, Enero 30, 2013

Time Management

Dear Diary,
  Hindi ko muna ginawa ang painting ko kasi gumawa pa ako ng sanaysay sa English .Todo balik aral din ako sa mahabang pagsusulit na ginawa namin dahil may isahang pagsagot kami bukas.
  Pagpatak ng 8:00 pm ay natulog na ako para hindi ako mapuyat, lagi na lang kasi akong puyat eh!

Martes, Enero 29, 2013

Ubos na naman!

Dear Diary,
  Naubusan na naman ako ng pintura ngayon.Bumili tuloy ako ng pintura sa Mambugan Paint Center.Pagkatapos ay dumiretso na ako sa Masinag para doon na sumakay  papuntang Pagrai. Kapag sa Barangay kasi ay magagastusan ako sa tricycle.Pag-uwi ko ay sinimulan ko na ang painting ko.

Lunes, Enero 28, 2013

Kapaguran

Dear Diary,
 May shooting na naman at inabot kami ng hanggang alas singko .Sobrang nakakapagod.Pagdating ko pa ay naglaba pa ako ng mga damit hanggang sa ginabi na ko natapos.Pagkatapos ay gumawa muna ako ng takdang aralin at diretso tulog.

Linggo, Enero 27, 2013

Dear Diary,
   May shooting ulit kami pero hidi na naman tuloy kasi hindi dumating sila Andres(Scottie) at Aling Marta(Kaycee).Napag isipan namin na gawin na lang ang Musical Video namin sa Valueskaya pumunta kami kila Noimie pero wala naman kaming nagawa kundi ang kumain at magtawanan.

Sabado, Enero 26, 2013

Bonding Day :)

Dear Diary,
  Bonding day namin ngayon ng matalik kong kaibigan na si Fatima.Gumala kami sa SM Masinag.Kumain kami sa Mcdo .Isang french fries at burger lang ang kinain namin kasi medyo wala kaming pera ngayon.








  Sa buong araw ,puro lang kami picture at tawanan.Lakad doon,lakad diyan at lakad dito :)

Biyernes, Enero 25, 2013

Hindi Natuloy :/

Dear Diary,
  Handa na kami ng mga ka-grupo ko para sa susunod na shooting pero hindi dumating si Bien.Siya kasi yung may hawak ng camera na gagamitin kaya hindi natuloy.
  Nilaan ko na lang oras ko sa paglilinis sa bahay namin at pagtulog :)

Miyerkules, Enero 23, 2013

Araw ko na'to

Dear Diary,
   Pagkatapos ng dalawang araw na kapaguran ay nakapagpahinga na rin sa wakas. Naka apat na oras na tulog din ako.Sobrang sarap sa pakiramdam at pagkatapos ay balik trabaho na ulit ako.Naglaba ako ng mga damit namin.

Martes, Enero 22, 2013

Kamalasan ko

Dear Diary,
   Pumunta ulit ako sa Masinag para kumuha ng stub sa Scholar.Kasama ko si Fatima.Ang malas talaga kasi natapunan yung palda at paa ko ng pintura tapos kulay itim pa.Hindi siguro nasara nang maayos ni Albun yun pagkatapos niya gumamit.Sobrang nakakahiya kaya bumili ako ng tubig para mabas-bawasan ang pintura.Pagkatapos ko makakuha ng stub ay umuwi kaagad ako.

Lunes, Enero 21, 2013

Maling Hinala !

Dear Diary,
   Sobrang sabik na kami nila Funcion, Momongan, Mendoza at Cerbo para kuhain ang pera namin sa Scholar.Sobrang nakakatawa kasi akala namin pera ,iyon pala stub parin(final stub) .Ang pinaka matindi ay hindi pa ako nakakuha nang sa akin kasi yung i.d. ko noong first year ang dala ko, na kay Khim kasi ang i.d. ko eh. Balik na lang ako bukas. Pumunta ulit ako sa pinagawaan ko ng cellphone.May problema na naman , ang tagal ko tuloy nag antay buti na lang malapit lang doon ang pwesto ng pinsan ko, may nakakwentuhan ako.
  Pumunta naman akong Agnesville , sa bahay ni Fatima.Gumawa kami ng painting namin sa T.L.E. Sobrang pagod na ako pag uwi .

Linggo, Enero 20, 2013

Kaarawan ni Auntie Ched :D

Dear Diary,
  Ayun pumunta ako ng Masinag para magpa ayos ng 3 cellphone ng mga kapatid ko.Ang dami tuloy nagastos ni Papa(akala ninyo ako no?) Haha =)

  Pagkatapos ay iniwanan ko muna ,babalikan ko nalang kasi pumunta pa ako sa kaarawan ng Auntie Ched ko .Ang daming pagkain tapos puro kami picture ng mga pinsan ko.
  
 Pagsapit ng hapon ay umuwi na agad ako para balikan yung cellphone subalit nagsara na sila .

Sabado, Enero 19, 2013

Card Day .

Dear Diary,
  Sa wakas ! Kuhaan na ng card ng Third Grading.Medyo sabik na ako makita ang grado ko. Nang pag uwi ni Mama, kinuha ko agad ang card ko at sobra saya kasi matataas pa din:) Nakita ko na din ang kinalabasan ng NCAE ko .Pinakamataas ko ang Cyberservices kung saan may kaugnayan sa paggamit ng computer.
  Pagsapit ng hapon ay pumunta ako sa bahay nila Claudette para sa Filipino namin.Habang gumagawa ay nanonood kami ng Final Destination 5.Sobrang nakakatakot talaga. Maggagabi na rin ako naka uwi.

Biyernes, Enero 18, 2013

Ang Sarap ng Buhay!

Dear Diary,
  Pagka uwi ko galing sa eskwelahan ay natulog na naman ako. Pero bakit kaya hindi ako tumatangkad ? hehe :)Tapos paggising ko sobrang daming pagkain sa lamesa. Ano pa ba ang gagawin ko? Syempre kakain.Sobrang busog na naman ,kaya lalo akong tumataba eh.
  Kantahan naman pagkatapos ng lahat. Kanta lang ng kanta kahit pangit ang boses.

Huwebes, Enero 17, 2013

Busy ang Lahat!

Dear Diary,
  Biruin mo ,pagpasok ko pa lang sa room ay abala ang mga kaklase ko sa pag aaral sa Mapeh.Lahat sila kabado kasama na ako doon. Ang saya ko sobra kasi nakakuha ako ng 95% sa recitation. Hindi lang iyon, ang saya ko kasi sinabi sa akin ni Funcion na kumuha na daw ng stub para sa scholar.Eh sakto! Wala pa naman na akong pera.
  Pagkatapos ng klase ay pumunta kami nila Scottie at Momongan sa Barangay para kumuha ng stub.Tapos pag uwi ko sa diretso agad ako sa computer shop para sa research assignment.Bukas na kasi ang pasahan , grabe inabot pa ako ng dalawang oras dahil doon.

Miyerkules, Enero 16, 2013

Graded Recitation.Hala!

Dear Diary,
  Pag uwi ko galing sa eskwelahan ay tinapos ko muna ang pagpipinta ko sa T.L.E. para hindi na ako mamoblema.Pagkatapos ay nakatulog na ako.Syempre, kagaya ng dating gawi ay gabi na naman ako nagising.
  Bigla kong naalala na may graded recitation pala kami bukas sa Mapeh.Wala tuloy akong ibang ginawa kundi ang pag aralan yung gawain namin.

Martes, Enero 15, 2013

Ang Gulo !

Dear Diary,
  Sobrang naguluhan ang utak ko ngayon. Hindi ko kasi alam kung ano ang uunahin kong gawin ngayon.Inuna ko na lang ang pagwasto ng gawain namin sa Araling Panlipunan.Pagkatapos ay naglaba pa ako ng tambak na damit kasi yung mga pinsan ko ,dito natulog sa amin eh ang dami pa naman nila.Huhuhuhu.
  Pagkatapos ay pumunta agad ako sa Mambugan paint kasi 5pm sila nagsasara kaya kahit hindi pa ako tapos sa paglalaba.Wala na naman akong tulog ngayon.

Lunes, Enero 14, 2013

Lunes na Naman!

Dear Diary,
  Lunes na naman! Bakit kaya parang ang saya ko? Ang aga ko pa pumasok tapos todo ngiti pa ako pagpasok ko sa room.Epekto siguro yun ng pagka-ignorante ko kahapon sa DVD.Hehe :)
  Pag-uwi ko sa bahay galing eskwelahan ay tambak na agad ang labahin ko.Kauuwi lang kasi ni Papa galing sa trabaho, stay-in kasi siya kaya maraming maruming damit. Kinagabihan ay nagcomputer ako para sa research assignment ko sa English.

Linggo, Enero 13, 2013

Napaka-ignorante Talaga :D

Dear Diary,
  Sobrang ignorante ako ngayon kasi may nakita akong saksakan ng usb . Sinaksak ko yung usb tapos inistart ko tapos biglang tumunog.Hindi ko alam na pwede pala yun.Grabe tawa tuloy ako ng tawa.Para nga akong bata eh.Hehehe :) Ang malupit sumasayaw pa ako habang may tugtog,medyo nabawasan ang taba ko.Sobrang ignorante talaga, nakakahiya tuloy.

Sabado, Enero 12, 2013

New Hair Cut :))

Dear Diary,
  Maghapong umulan kaya medyo boring. Kahit umuulan ay pumunta pa din ako sa bahay nila Fatima.Nagpasama kasi ako magpagupit ng buhok. Shaggy daw ang style.Sobrang pangit talaga.Hindi bagay sa akin pero sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi.Hehehe :) Gabi na rin ako nakauwi sa bahay kasi ayw tumigil ng ulan.

Biyernes, Enero 11, 2013

Huling Araw ng Test.

Dear Diary,
   Huling araw na ng Test.Medyo kabado kasi mga mahihirap ngayon.English,Mathematics, Araling Panlipunan at T.L.E.
    OMG! Dumugo ilong ko sa English at dumugo utak ko sa Math.Hehehe :) Biro lang .Ang hirap kasi eh.Medyo sumakit lang ang ulo ko sa mga tinest namin ngayon.

Huwebes, Enero 10, 2013

Unang Araw ng Test

Dear Diary,
   Unang araw ng Test Chemistry agad.Medyo nagulat ako kasi sabi nila second day pa daw iyon kaya hindi ako nakapag review.No choice ako kundi gamitin ang stock knowledge.Hehehe:)
   Pag-uwi ko ay humiga agad ako sa kama ko kasi pakiramdam ko ay lalagnatin ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.Nagising na ako nang gabi, kumain lang ako tapos tulog ulit.

Miyerkules, Enero 9, 2013

Sabay-sabay Sila!

Dear Diary,
  Sobrang nakakaloka ngayon.Sabay-sabay kasi ang pasahan ng project.Tapos bukas na pala ang Third Periodical Examination.Syempre wala akong ibang ginawa kundi ang magreview nang magreview.Kaso nalilito ako kung ano ang uunahin kong reviewhin kasi hindi nasabi sa amin kaya nag hintay pa ako ng balita.Medyo napuyat ako sa pagrereview .

Martes, Enero 8, 2013

Nakakainis Naman :(

Dear Diary,
   Sobrang nakakainis talaga si Pamela.Kapwa kamag aral ko sa Mambugan.Hindi ko naman siya inaano pero kung makapanlait sa akin sobra:( Alam ko naman na maganda siya eh at hindi ko naman itinatanggi na pangit ako.Ang ikinakagalit ko lang eh kung bakit kailangan niya pang ipagsigawan sa maraming tao yun.Ngayon lang 'to nangyare sa'kin.Sobrang bigat ng loob ko :(

Lunes, Enero 7, 2013

Niel Austria

Dear Diary,
 Lunes na naman ! Pasok ulit sa eskwelahankahit medyo tinatamad.
Ako at si Niel :D
 Kaarawan pala ng pinsan ko ngayon si Niel Austria.Hindi man lang ako nakatikim ng handa niya.Hehe :) Wala pa naman ako makain ngayon. 
 Tulog lang ako ng tulog ngayon kasi puyat at pagod kahapon eh .Wala tuloy akong nagawang matino na gawain sa bahay. Syempre! Nasermunan na naman ako ni Mama.