Huwebes, Enero 31, 2013

Boredom :'/

Dear Diary,
  Pag-uwi galing sa eskwela ay hindi ako makatulog sa hapon.Wala akong ginawa kundi manood ng telebisyon.Maghapon din akong nakatutok sa cellphone ko kahit wala namang nagtetext.

Miyerkules, Enero 30, 2013

Time Management

Dear Diary,
  Hindi ko muna ginawa ang painting ko kasi gumawa pa ako ng sanaysay sa English .Todo balik aral din ako sa mahabang pagsusulit na ginawa namin dahil may isahang pagsagot kami bukas.
  Pagpatak ng 8:00 pm ay natulog na ako para hindi ako mapuyat, lagi na lang kasi akong puyat eh!

Martes, Enero 29, 2013

Ubos na naman!

Dear Diary,
  Naubusan na naman ako ng pintura ngayon.Bumili tuloy ako ng pintura sa Mambugan Paint Center.Pagkatapos ay dumiretso na ako sa Masinag para doon na sumakay  papuntang Pagrai. Kapag sa Barangay kasi ay magagastusan ako sa tricycle.Pag-uwi ko ay sinimulan ko na ang painting ko.

Lunes, Enero 28, 2013

Kapaguran

Dear Diary,
 May shooting na naman at inabot kami ng hanggang alas singko .Sobrang nakakapagod.Pagdating ko pa ay naglaba pa ako ng mga damit hanggang sa ginabi na ko natapos.Pagkatapos ay gumawa muna ako ng takdang aralin at diretso tulog.

Linggo, Enero 27, 2013

Dear Diary,
   May shooting ulit kami pero hidi na naman tuloy kasi hindi dumating sila Andres(Scottie) at Aling Marta(Kaycee).Napag isipan namin na gawin na lang ang Musical Video namin sa Valueskaya pumunta kami kila Noimie pero wala naman kaming nagawa kundi ang kumain at magtawanan.

Sabado, Enero 26, 2013

Bonding Day :)

Dear Diary,
  Bonding day namin ngayon ng matalik kong kaibigan na si Fatima.Gumala kami sa SM Masinag.Kumain kami sa Mcdo .Isang french fries at burger lang ang kinain namin kasi medyo wala kaming pera ngayon.








  Sa buong araw ,puro lang kami picture at tawanan.Lakad doon,lakad diyan at lakad dito :)

Biyernes, Enero 25, 2013

Hindi Natuloy :/

Dear Diary,
  Handa na kami ng mga ka-grupo ko para sa susunod na shooting pero hindi dumating si Bien.Siya kasi yung may hawak ng camera na gagamitin kaya hindi natuloy.
  Nilaan ko na lang oras ko sa paglilinis sa bahay namin at pagtulog :)

Miyerkules, Enero 23, 2013

Araw ko na'to

Dear Diary,
   Pagkatapos ng dalawang araw na kapaguran ay nakapagpahinga na rin sa wakas. Naka apat na oras na tulog din ako.Sobrang sarap sa pakiramdam at pagkatapos ay balik trabaho na ulit ako.Naglaba ako ng mga damit namin.

Martes, Enero 22, 2013

Kamalasan ko

Dear Diary,
   Pumunta ulit ako sa Masinag para kumuha ng stub sa Scholar.Kasama ko si Fatima.Ang malas talaga kasi natapunan yung palda at paa ko ng pintura tapos kulay itim pa.Hindi siguro nasara nang maayos ni Albun yun pagkatapos niya gumamit.Sobrang nakakahiya kaya bumili ako ng tubig para mabas-bawasan ang pintura.Pagkatapos ko makakuha ng stub ay umuwi kaagad ako.

Lunes, Enero 21, 2013

Maling Hinala !

Dear Diary,
   Sobrang sabik na kami nila Funcion, Momongan, Mendoza at Cerbo para kuhain ang pera namin sa Scholar.Sobrang nakakatawa kasi akala namin pera ,iyon pala stub parin(final stub) .Ang pinaka matindi ay hindi pa ako nakakuha nang sa akin kasi yung i.d. ko noong first year ang dala ko, na kay Khim kasi ang i.d. ko eh. Balik na lang ako bukas. Pumunta ulit ako sa pinagawaan ko ng cellphone.May problema na naman , ang tagal ko tuloy nag antay buti na lang malapit lang doon ang pwesto ng pinsan ko, may nakakwentuhan ako.
  Pumunta naman akong Agnesville , sa bahay ni Fatima.Gumawa kami ng painting namin sa T.L.E. Sobrang pagod na ako pag uwi .

Linggo, Enero 20, 2013

Kaarawan ni Auntie Ched :D

Dear Diary,
  Ayun pumunta ako ng Masinag para magpa ayos ng 3 cellphone ng mga kapatid ko.Ang dami tuloy nagastos ni Papa(akala ninyo ako no?) Haha =)

  Pagkatapos ay iniwanan ko muna ,babalikan ko nalang kasi pumunta pa ako sa kaarawan ng Auntie Ched ko .Ang daming pagkain tapos puro kami picture ng mga pinsan ko.
  
 Pagsapit ng hapon ay umuwi na agad ako para balikan yung cellphone subalit nagsara na sila .

Sabado, Enero 19, 2013

Card Day .

Dear Diary,
  Sa wakas ! Kuhaan na ng card ng Third Grading.Medyo sabik na ako makita ang grado ko. Nang pag uwi ni Mama, kinuha ko agad ang card ko at sobra saya kasi matataas pa din:) Nakita ko na din ang kinalabasan ng NCAE ko .Pinakamataas ko ang Cyberservices kung saan may kaugnayan sa paggamit ng computer.
  Pagsapit ng hapon ay pumunta ako sa bahay nila Claudette para sa Filipino namin.Habang gumagawa ay nanonood kami ng Final Destination 5.Sobrang nakakatakot talaga. Maggagabi na rin ako naka uwi.

Biyernes, Enero 18, 2013

Ang Sarap ng Buhay!

Dear Diary,
  Pagka uwi ko galing sa eskwelahan ay natulog na naman ako. Pero bakit kaya hindi ako tumatangkad ? hehe :)Tapos paggising ko sobrang daming pagkain sa lamesa. Ano pa ba ang gagawin ko? Syempre kakain.Sobrang busog na naman ,kaya lalo akong tumataba eh.
  Kantahan naman pagkatapos ng lahat. Kanta lang ng kanta kahit pangit ang boses.

Huwebes, Enero 17, 2013

Busy ang Lahat!

Dear Diary,
  Biruin mo ,pagpasok ko pa lang sa room ay abala ang mga kaklase ko sa pag aaral sa Mapeh.Lahat sila kabado kasama na ako doon. Ang saya ko sobra kasi nakakuha ako ng 95% sa recitation. Hindi lang iyon, ang saya ko kasi sinabi sa akin ni Funcion na kumuha na daw ng stub para sa scholar.Eh sakto! Wala pa naman na akong pera.
  Pagkatapos ng klase ay pumunta kami nila Scottie at Momongan sa Barangay para kumuha ng stub.Tapos pag uwi ko sa diretso agad ako sa computer shop para sa research assignment.Bukas na kasi ang pasahan , grabe inabot pa ako ng dalawang oras dahil doon.

Miyerkules, Enero 16, 2013

Graded Recitation.Hala!

Dear Diary,
  Pag uwi ko galing sa eskwelahan ay tinapos ko muna ang pagpipinta ko sa T.L.E. para hindi na ako mamoblema.Pagkatapos ay nakatulog na ako.Syempre, kagaya ng dating gawi ay gabi na naman ako nagising.
  Bigla kong naalala na may graded recitation pala kami bukas sa Mapeh.Wala tuloy akong ibang ginawa kundi ang pag aralan yung gawain namin.

Martes, Enero 15, 2013

Ang Gulo !

Dear Diary,
  Sobrang naguluhan ang utak ko ngayon. Hindi ko kasi alam kung ano ang uunahin kong gawin ngayon.Inuna ko na lang ang pagwasto ng gawain namin sa Araling Panlipunan.Pagkatapos ay naglaba pa ako ng tambak na damit kasi yung mga pinsan ko ,dito natulog sa amin eh ang dami pa naman nila.Huhuhuhu.
  Pagkatapos ay pumunta agad ako sa Mambugan paint kasi 5pm sila nagsasara kaya kahit hindi pa ako tapos sa paglalaba.Wala na naman akong tulog ngayon.

Lunes, Enero 14, 2013

Lunes na Naman!

Dear Diary,
  Lunes na naman! Bakit kaya parang ang saya ko? Ang aga ko pa pumasok tapos todo ngiti pa ako pagpasok ko sa room.Epekto siguro yun ng pagka-ignorante ko kahapon sa DVD.Hehe :)
  Pag-uwi ko sa bahay galing eskwelahan ay tambak na agad ang labahin ko.Kauuwi lang kasi ni Papa galing sa trabaho, stay-in kasi siya kaya maraming maruming damit. Kinagabihan ay nagcomputer ako para sa research assignment ko sa English.

Linggo, Enero 13, 2013

Napaka-ignorante Talaga :D

Dear Diary,
  Sobrang ignorante ako ngayon kasi may nakita akong saksakan ng usb . Sinaksak ko yung usb tapos inistart ko tapos biglang tumunog.Hindi ko alam na pwede pala yun.Grabe tawa tuloy ako ng tawa.Para nga akong bata eh.Hehehe :) Ang malupit sumasayaw pa ako habang may tugtog,medyo nabawasan ang taba ko.Sobrang ignorante talaga, nakakahiya tuloy.

Sabado, Enero 12, 2013

New Hair Cut :))

Dear Diary,
  Maghapong umulan kaya medyo boring. Kahit umuulan ay pumunta pa din ako sa bahay nila Fatima.Nagpasama kasi ako magpagupit ng buhok. Shaggy daw ang style.Sobrang pangit talaga.Hindi bagay sa akin pero sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi.Hehehe :) Gabi na rin ako nakauwi sa bahay kasi ayw tumigil ng ulan.

Biyernes, Enero 11, 2013

Huling Araw ng Test.

Dear Diary,
   Huling araw na ng Test.Medyo kabado kasi mga mahihirap ngayon.English,Mathematics, Araling Panlipunan at T.L.E.
    OMG! Dumugo ilong ko sa English at dumugo utak ko sa Math.Hehehe :) Biro lang .Ang hirap kasi eh.Medyo sumakit lang ang ulo ko sa mga tinest namin ngayon.

Huwebes, Enero 10, 2013

Unang Araw ng Test

Dear Diary,
   Unang araw ng Test Chemistry agad.Medyo nagulat ako kasi sabi nila second day pa daw iyon kaya hindi ako nakapag review.No choice ako kundi gamitin ang stock knowledge.Hehehe:)
   Pag-uwi ko ay humiga agad ako sa kama ko kasi pakiramdam ko ay lalagnatin ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.Nagising na ako nang gabi, kumain lang ako tapos tulog ulit.

Miyerkules, Enero 9, 2013

Sabay-sabay Sila!

Dear Diary,
  Sobrang nakakaloka ngayon.Sabay-sabay kasi ang pasahan ng project.Tapos bukas na pala ang Third Periodical Examination.Syempre wala akong ibang ginawa kundi ang magreview nang magreview.Kaso nalilito ako kung ano ang uunahin kong reviewhin kasi hindi nasabi sa amin kaya nag hintay pa ako ng balita.Medyo napuyat ako sa pagrereview .

Martes, Enero 8, 2013

Nakakainis Naman :(

Dear Diary,
   Sobrang nakakainis talaga si Pamela.Kapwa kamag aral ko sa Mambugan.Hindi ko naman siya inaano pero kung makapanlait sa akin sobra:( Alam ko naman na maganda siya eh at hindi ko naman itinatanggi na pangit ako.Ang ikinakagalit ko lang eh kung bakit kailangan niya pang ipagsigawan sa maraming tao yun.Ngayon lang 'to nangyare sa'kin.Sobrang bigat ng loob ko :(

Lunes, Enero 7, 2013

Niel Austria

Dear Diary,
 Lunes na naman ! Pasok ulit sa eskwelahankahit medyo tinatamad.
Ako at si Niel :D
 Kaarawan pala ng pinsan ko ngayon si Niel Austria.Hindi man lang ako nakatikim ng handa niya.Hehe :) Wala pa naman ako makain ngayon. 
 Tulog lang ako ng tulog ngayon kasi puyat at pagod kahapon eh .Wala tuloy akong nagawang matino na gawain sa bahay. Syempre! Nasermunan na naman ako ni Mama.

Linggo, Enero 6, 2013

Naka-alis din :-)

Dear Diary, 
  Sa wakas ! Nakaalis na kami ngayon. Nagkwentuhan kami ng mga pinsan ko. Lalo na yung pinsan kong bakla  na malala kapag natuwa.Nambabatok ,nananabunot at nananampal kasi siya kapag natutuwa. Lagi tuloy ako kawawa kasi hindi ako makaganti lalo pa't maikli buhok niya.
  Pagsapit ng hapon,pumunta pa kami sa Marikina sa tiangge.Magge-guesting daw kasi yung crush ko.Hala ! Sobrang saya ko. Ang galing niya talaga kumanta :)

Sabado, Enero 5, 2013

Ang Malas Aba!

Dear Diary,
  Plano namin ngayon ng kapatid ko na pumunta sa bahay ng pinsan ko.Kukunin kasi namin  yung simcard ng kapatid ko.Nakabihis na kami at aalis na din.
  Sa kasamaang palad , hindi kami pinaalis na Mama at kinulong pa kami sa bahay. Hindi kasi sumunod sa utos yung isa kong kapatid.Ayan tuloy ,damay-damay na kami.Gabi na rin kami nakalabas kasi nakauwi na si Papa sa bahay.
  Sobrang nakakainis talaga-.-

Huwebes, Enero 3, 2013

Pasukan Na!

Dear Diary,
  Pagkatapos ng mahabang bakasyon ay balik eskwela ulit.Nakakamiss din pala yung mga kaklase ko.Lalo na yung bestfriend ko na si Fatima.Namiss ko din yung footlong sa Canteen .Hehehe.Wala kasi akong mabilhan nang ganun noong bakasyon.
  Ayun laba na naman ang ginawa ko kasi naman araw-araw ang paglalaba ko. Medyo nakakasawa na pero kailangan para may masuot.

Miyerkules, Enero 2, 2013

Laba Mode^

Dear Diary,
    Tambak ang labahin ko ngayon .Tatlong araw ba naman hindi naglaba.Sira kasi ang washing machine namin.Iyan tuloy ! Kuskos dito ,kusot doon.! Ayun maghapon naglaba .Buti na lang ay tinulungan ako ni Mama.
    Kinahapunan eto tamang update lang ng blog ko.Kahit masakit ang kamay ko.Nasugatan kasi eh! Hindi kasi ako sanay na maglaba ng kuskos eh kaya ganoon.

Martes, Enero 1, 2013

Happy New Year :-)

Dear Diary,
  Medyo magaling na ako pero inuubo pa din. Kahit kakagaling lang sa sakit ay pumunta pa din ako sa Mayamot para sa New Year.
  Nakakamiss din pala ang mga pinsan ko doon na makukulit.Wala kaming ginawa kundi ang magdaldalan at magkwentuhan.Karamihan sa pinag usapan namin ay tungkol sa mga hinahangan namin (crush kumbaga).
  Ang saya talaga.Ang ganda ng pasok ng 2013 sa amin.Maligayang Bagong Taon!