Lunes, Disyembre 31, 2012

L A G O T ^^

Dear Diary,
   Alas tres na nang umaga ako nakauwi galing sa Marikina.Wala talaga kaming masakyan ng mga pinsan ko kaya huli na kami nakauwi.Ayun napagalitan tuloy ako ni Papa dahil dun.
  Pag-uwi ko ay una kong ginawa ay matulog ata sa paggising ko ay naramdaman kong mainit ang buo kong katawan at hirap akong huminga.Pinainom ako ng gamot at maghapong nakahiga.

Linggo, Disyembre 30, 2012

Fireworks sa Marikina.

Dear Diary,
  Maghapon akong naglinis ng bahay at sumunod sa mga utos ni Papa.Sobrang bait ko talaga ngayon para payagan ako makapunta sa Marikina para sa fireworks display.Sulit naman dahil pinayagan ako :D
  Kahit may ubo't-sipon ako ay tuloy pa rin ang lakad ,makapunta lang. Pagpatak  ng alas dose ay nasaksihan ko ang makulay na fireworks kaso medyo bitin dahil parang ang bilis lang.

Sabado, Disyembre 29, 2012

Katamad!

Dear Diary,
  BOREDOM! Sobrang nakakamatad ngayon. Kaya naisipan kong mag ayos na lang ng damitan ko.Ginulo ko lahat ng damit ko pati damit ng mga kapatid ko.Pagkatapos ay niligpit ko.Kabaliwan nga naman oh kapag naboboring.Nagalit pa sa akin si Mama kasi pagkatapos ng kabaliwan kong guluhin ang damitan ay natulog ako nang pagkahaba-haba.Gabi na ako nagising tapos naglaba pa pagkagising.

Biyernes, Disyembre 28, 2012

:'/

Dear Diary,
  Nagpalaboratory si Mama sa Doctor .Kailangan daw talagang tanggalin yung tubig sa tuhod niya.Sobrang nakakaawa na talaga si Mama.Sana gumaling na siya lalo na at magbabagong taon na.Hirap na hirap na pati si Mama maglakad kaya sana gumaling siya.


 Ngayong araw din ay nakita ko yung classmate ko noong Grade 4.. Si Querobin .Medyo matagal na din pero naalala pa namin yung isa't-isa .Akala ko nga ay hindi niya na ako nakilala pero bigla ba naman akong batukan tapos ay nangamusta.

Huwebes, Disyembre 27, 2012

General Cleaning :)

Dear Diary,

    General cleaning ng bahay namin pero ako ? Nilinisan ko lang yung miniature house ko nung first year.Halos 2 years na din pala yun hindi nalilinisan.Paano ba naman ay nakalagay sa bodega kaya hindi ko napapansin.
  Nakatanggap din ako ng regalo na naman.Swerte naman oh! Teddy bear mula sa mahal kong pinsan.Medyo late na regalo niya pero ayos lang dahil sobrang appreciated ko'to :)

Miyerkules, Disyembre 26, 2012

Si Mama :(

Dear Diary,
   Tapos na ang Christmas pero may namasko pa din sa amin na kamag-anak namin.Ubos-ubos na ang pera namin kasi sobrang dami ng namasko.Sabi nga eh "Mas marami pa ang namasko sa kanila kaysa sa napamaskuhan namin".HAHA ^^
I LOVE YOU MAMA <3
  Ngayong araw din ay sinamahan ko si Mama sa Doctor para magpa check-up.Hirap na kasi makalakad si Mama eh! Kaya miabuti ko na ring sumama baka kug ano pang mangyari.Nirekomenda nang Doctor na magpalaboratory.
  Sana gumaling si Mama kasi sobrang nahihirapan na siya pati ako nahihirapan kapag nakikitang ganoon ang sitwasyon niya.

Martes, Disyembre 25, 2012

Pasko na !

Dear Diary,
   Pasko na! Hehe.Namasko pa din ako kahit dalaga na ako.Sa mga Tito't Tita ko na lang pero sa mga ninang ko ay hindi na.Umaga pa lang pumunta na ako sa Brgy. San Isidro para mamasko.
   Pagsapit ng hapon ay dumiretso na ko sa Sta.Lucia kasama ang kapatid ko.Kasama ko rin ang matalik kong kaibigan na halos 2 taon ko ding hindi nakita.
  Sobrang saya ko kasi nakatanggap ako ng Varsity Jacket mula sa taong hinahangaan ko.Hindi ko inaakalang bibigyan niya ako ng regalo.
  Maligayang Pasko sa lahat :)

Lunes, Disyembre 24, 2012

Auditor na ko :)

Dear Diary,
   Ngayong ay wala akong ibang ginawa kundi ang mag awdit ng mga nagbayad sa tubig.Hirap na hirap ako kasi Auditor at Treasurer ang papa ko sa samahan pero ako ang gumagawa. Sulit naman kasi binigyan ako ng 300 pesos.Ngakaroon na ako ng pambili ng regalo sa bestfriend ko.

Linggo, Disyembre 23, 2012

Kapagod !

Dear Diary,

  Sobrang pagod ako ngayong araw. Pumunta ako ng Marikina para bumili ng dadamitin ko sa Pasko pati na rin ang mga panregalo ko sa mga inaanak.
  Pagkatapos mamili ay pumunta namin kami ng kapatid ko sa bahay ng matalik niyang kaibigan.Kaarawan kasi nito.Habang naglalakad ay tamang picture-picture lamang kami.At sa pag-uwi namin ay natulog na lang kami .Napagalitan kami ni Mama paggising kasi hindi namin nagawa ang trabaho namin sa bahay.

Sabado, Disyembre 22, 2012

1st Death Anniversary ng Lola ko

Dear Diary,
   Himala! Nagising ako ng 4:00 am .Nagpahangin lang ako sa labas kasama ang mga tita ko mula sa Bicol.Ganito pala talaga ang gising nila,sobrang aga.
  Nang pagsapit ng 6:00 am ay pumunta kami sa Marikina.1st death Anniversary kasi ng Lola ko.
Pagkatapos ay umuwi na kami sa bahay .Umalis ulit si Mama at Papa.Hindi namin alam kung saan sila pumunta.Pag-uwi nila ay may pasalubong silang pagkain.Grabe! Sakit ng tiyan ko sa kabusugan.HAHA :)

Biyernes, Disyembre 21, 2012

16th Wedding Anniversary

Dear Diary ,
   Ngayong araw ay ang 16th Wedding Anniversary nila Mama't- Papa.Mula umaga hanggang hapon ay puro kami linis at nag ayos ng bahay.
  Sa pag-uwi ni Papa ay laking gulat namin na may dala siyang bulaklak.Hindi kasi mahilig si Papa sa mga ganoong bagay.

  Maya-maya pa ay umalis sila para mamasyal at syempre hindi nila kami sinama.Pag-uwi nila ay hindi man lamang kami pinasalubungan ng pagkain kaya kaming magkakapatid ay naiinis sa kanila. 

Huwebes, Disyembre 20, 2012

Christmas Party

Dear Diary,


  Christmas Party na namin.Masaya naman kaso nakakahiya.Wala kasing dalang pagkain ang ka-grupo na ambagan namin.Sobrang nakakainis talaga.Ayun tuloy ,NGANGA kami.Yung iba kong ka-grupo ay kumain kahit wala silang ambag pero ako tiniis kong huwag kumain dahil nakakahiya talaga.Gutom pa naman ako nun kasi hindi pa ako nag aalmusal .Sa Huli ,masaya pa din ang Christmas Party.

Miyerkules, Disyembre 19, 2012

Goodbye 2012

Dear Diary,
    Ngayon na ang huling pasok namin sa taong 2012. Paalam 2012.
    Ngayon din ang paghuhusga ng miniature namin kung sino ang may pinakamagandang gawa kaya karamihan sa mga kaklase ko ay abala sa pag aayos ng kani-kanilang miniature house at isa na ako doon. Kagaya ng inaasahan ko ,si Emmanuel Sallador ang nanalo. Ang ganda kasi ng gawa niya.
   Cultural Show na ng mga Third Year. Sa wakas napanood ko din at sobrang saya. Ang pinaka gusto ay ang pagsayaw ng mga Guro at pagsayaw ng Principal.

Martes, Disyembre 18, 2012

Miniature House ko!

Dear Diary,
     Nakakatuwa pala magpintura nang pinaghirapan mong miniature house.Grabe! Sobrang dumi ng kamay ko ngayong araw .Hirap na hirap pa akong tanggalin ang pintura sa aking mga kamay.
    Pagod din ako ngayong araw .Paano ba naman pumunta kami nila Fatima at Eloisa sa Marikina.Malapit-lapit na rin kasi ang Christmas Party namin kaya bibili kami ng pang exchange gift. Pagkatapos naming bumili doon ay pumunta naman kami sa SM Masinag.Sinamahan lang namin si Fatima at yung boyfriend niya mamasyal.Grabe! Sobrang istorbo kami sa kanila .Dapat pala hindi na lang kami sumama doon.
    Naka-uwi ako ng alas singko na ng hapon.Napagalitan pa ako ni Mama kasi sobrang tagal ko daw umuwi.

Lunes, Disyembre 17, 2012

OMG!

Dear Diary,
       Hello Diary ! Wala  kaming Mapeh at English.Marami ring wala sa aming classroom dahil karamihan ay performer sa Cultural Show.
       OMG! Memorable sa akin ang pag uwi ko.Natagusan kasi ako at sobrang nakakahiya.Nang makarating na ako sa bahay ay biglang nahilo at sumakit ang puson ko.Kahit ganoon ay naglaba pa din ako kasi magagalit si Mama. Medyo inis ako ngayon kay Mama ,hindi man lang kasi ako pinatulog muna.
      Kinagabihan ay nagkaroon pa ako ng insomnia kaya lalong nakakainis.


Source: http://www.google.com.ph/imgres?um=1&hl=fil&tbo=d&biw=1024&bih=653&tbm=isch&tbnid=aAEmJYO1FpHaAM:&imgrefurl=http://www.ed2010.com/images/2007/10/sad-baby-crying%3Fsize%3D_original&docid=cnHVRx_imP0hKM&imgurl=http://www.ed2010.com/files/images/sad%252520baby.jpg&w=2305&h=2305&ei=6qTWUMLyH4PIrQfsuICADw&zoom=1&iact=hc&vpx=4&vpy=312&dur=2542&hovh=225&hovw=225&tx=102&ty=144&sig=104444038325363576337&page=1&tbnh=137&tbnw=146&start=0&ndsp=25&ved=1t:429,r:13,s:0,i:120

Linggo, Disyembre 16, 2012


 URI NG TUNGGALIAN

 Ang Tunggalian ay ang siyang nagpapaigting sa Paglalahad ng mga karanasang tinipon ng isang manunulat upang mabuo ang buhay na kanyang inilalahad.
· Tao VS. Tao – Ang Kasawian ng Tao ay gawa din ng kanyang kapwa.
·Tao VS. Lipunan – Maigting ang pakikibaka ng tauhan sa Lipunan na kanyang kinabibilangan.
·Tao VS. Sarili – Maigting na pakikibakang pangkatauhan ng pangunahing tauhan sa kanyang sarili.
Mga Kabanata ng Noli Me Tangere
· Kabanata 1 – Ang Pagtitipon
· Kabanata 10 – Ang Bayan ng San Diego
· Kabanata 16 – Si Sisa
·Kabanata 19 – Ang Karanasan ng isang Guro
· Kabanata 39 – Si Donya Consolacion

TATA SELO

  Ang Tata Selo ay patungkol sa mga problemang kinaharap ni Tata Selo at ng kanyang anak. Natutunan ko dito na bago tayo gumawa ng desisyon ay dapat natin itong pag isipan kung tama ba o mali.
Mabagis na Lungsod
   Ang akdang ito ay patungkol kay Adong na isang pulubi sa Quiapo at ipinapakita dito ang totoong nangyayari sa mga pulubi sa kasalukuyan.
   


Linggo, Disyembre 9, 2012

Pagsusulit



Sa Pula Sa Puti

Ang akdang ito ay tumatalakay sa masamang dulot ng pagsusugal at pagiging adik natin sa isang bagay kapag nasimulan.
Ipinapahiwatig dito na huwag nating pabayaan na mahilig sa bisyo para lamang sa kagustuhan.
ISLOGAN


"Imbensyong pamuksa ,huwag bigyang halaga lalo na sa masama at pansariling nais "

Linggo, Nobyembre 18, 2012

Banaag at Sikat


     Ang akdang ito ni Lope K. Santos ay hinggil sa mga buhay ng magkaibigang si Felipe at Delfin.
Ang Kalupi




Ang akdang ito ay nagpapatungkol sa maling panghuhusga sa pisikal na katangian ng isang tao.
Pagsusulit


Linggo, Nobyembre 11, 2012

Mahabang Pagsusulit


  Kami ay nagkaroon ng mahabang pagsusulit na may kinalaman sa aming aralin na "Mga Hudyat ng Bagong Kabihasnan"Ako ng nakakuha ng 13 out of 15.
Imbensyon sa Teknolohiya


    Kami ay naatasan kung saan kami ay maghanap o gumupit ng larawan na halimbawa ng makabagong teknolohiya.
Mga Hudyat ng Bagong Kabihasnan

           Ang akdang ito ay nagpapatungkol sa mga imbensyong gawa ng tao na batay sa kanilang pangangailangan.Ang dunong ng tao ay nakatulong subalit mas higit itong nakasama sa bawat isa .Ipinapahiwatig na dapat nating gamitin sa tama ang dunong na ipinagkaloob sa atin ng maykapal.


Liham









               Kami ay pinagawa ng liham para sa aming mga magulang subalit si mama lamang aking sinulatan.Dito nakapaloob ang mga kasalanan ko ay ang paghingi ko ng paumanhin.

Huwebes, Nobyembre 1, 2012

Anak (Kanta)


   Ang kantang ito ay patungkol sa anak na napariwara at nagsisi din sa huli  .Ang kantang ito ay may kaugnay sa Luha ni Rufino Alejandro at sa Alibughang Anak dahil pareho ng mensaheng nais ipabatid.
Alibughang Anak



   Ito ay mula sa bibliya na kung saan ay may pagkakatulad sa Luha ni Rufino dahil ipinakita rito na ang anak ay nagsisi sa bandang huli. Ang Alibughang Anak ay nagpapatungkol sa pagpapatawadng Ama sa kanyang anak kahit may nagawa ito kamalian.
LUHA
ni Rufino Alejandro



       Ang "Luha' ni Rufino Alejandro ay nagpapatungkol sa mga kamalian na nagawa natin sa simula at pinagsisihan sa huli. Ito ay nagsasabi na "ANG PAGSISISI AY LAGING NASA HULI.
Marka sa Pagsusulit


Bibliyograpiya

Ito ay mga gawain namin na tungkol sa tamang paggawa ng bibliyograpiya na pa-alpabeto at tama ang mga bantas.

Miyerkules, Oktubre 10, 2012

Mga Tauhan sa Noli Me Tangere 

  • Mga Tauhan:
    • Crisostomo Ibarra Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
    • Elias Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.
    • Kapitan Tiyago Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.
    • Padre Damaso Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego.
    • Padre Salvi Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
    • Maria Clara Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso
    • Pilosopo Tasyo Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
    • Alperes Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego
    • Donya Victorina Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.
Bibliyograpiya
Ang bibliograpiya ay listahan ng mga ginamit na sangguniang aklat, pahayagan, magasin at iba pa na inaayos nang paalpabeto.

Sabado, Oktubre 6, 2012

Mahabang Pagsusulit




   Ang mahabang pagsusulit na ito ay naglalaman ng mga aralin na aming tinalakay sa buong ikalawang markahan.
Tagumpay

Kami ay naatasang gumawa ng sanaynay tungkol sa tagumpay at kung paano ito makakamit.

Sabado, Setyembre 29, 2012

SLOGAN
 Kahirapan ay hindi hadlang sa tagumpay,
bagkus gawin itong inspirasyon sa pagkamit nito.


Ipinapaliwanag dito na ang bawat pagsubok sa atin ay siyang gagabay sa tagumpay dahil ito ang magiging paraan para maabot ang tagumpay.

Patuloy ang Pangarap




Ang kantang ito ay may pagkakatulad sa akdang "Sa Lupa ng sariling Bayan " dahil ipinapakita dito ang pag abot sa tagumpay.

Sabado, Setyembre 22, 2012

Sa Lupa ng Sariling Bayan

Ang akdang ito patungkol kay Layo na may hinanakit sa kanyang Amain.Sa umpisa ng kwento ay naghirap si Layo sa kamay ngkanyang Amain.Nang dahil sa pangyayaring iyon ay nagsumikap si Layo at siya'y naging abogado.



 
Sumisimbolo ng Hindi Pagiging Malaya
    Ang iginuhit ko ay mata at sa loob nito ay ang taong kaaway ko.Iginuhit ko ito dahil ang pagkakaroon ko ng kaaway ang nagdudulot ng madalas kong pag iyak dahil napakabigat sa kalooban.Ito ang dahilan kung bakit hindi ako malaya.