Miyerkules, Oktubre 10, 2012

Mga Tauhan sa Noli Me Tangere 

  • Mga Tauhan:
    • Crisostomo Ibarra Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
    • Elias Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.
    • Kapitan Tiyago Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.
    • Padre Damaso Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego.
    • Padre Salvi Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
    • Maria Clara Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso
    • Pilosopo Tasyo Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
    • Alperes Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego
    • Donya Victorina Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento